bc

[Drevon Monteclaro] Daddy Drevon Unwanted Wife

book_age18+
3.3K
FOLLOW
26.3K
READ
age gap
fated
playboy
powerful
sweet
bxg
office/work place
like
intro-logo
Blurb

What if you find out that he only married you because the child wanted you to be his mother? Can you do everything for the sake of the child? Can you sacrifice and dedicate your whole life just because he married you but he can't accept you as his wife? And the worst part is, he can't love you even though you've done everything just to make him love you.

*******

Susukuan mo ba o maghihintay ka na lang hanggang sa matutunan ka din niyang mahalin kahit alam mong malabong mangyari iyon?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Hindi ko inaasahan na darating din pala ang araw na hindi ko kailanman pinangarap na mag-asawa. Dahil sa nag-iisang anak ko na ang tanging kahilingan nito ay magkaroon siya ng matatawag na mommy upang makalaya na ito sa kalungkutan ay aking binigay. Makakaya ko kaya siyang tanggapin kung ang hinihingi ng aking anak ay hindi ko naman siya kayang mahalin? ********** KULOT Nakahanda na ang aking mga ilalakong kakanin sa isang malinis na bilao. Imbes na sa school ako papasok ay sa Police Station ako pupunta dahil doon ako araw-araw nakakapaubos ng aking mga paninda. Dalawa na lang kaming namumuhay ng aking kapatid na lalaki na nasa edad 15 taong gulang. Ako naman ay nasa 19 na ang edad. Magtatapos na sana ako sa taong ito sa kursong BEED kaso isang malaking dagok ang dumating sa aming buhay. Naaksidente si papa sa daan nang siya ay pauwe na sana rito sa amin. Ngunit hindi namin inaasahan ang masamang ibinalita sa amin ng kan'yang kaibigang pulis kaya nang malaman naming wala na siya ay doon na gumuho ang aming mundo ng aking kapatid na lalaki. May mga naiwan namang ipon si papa para sa aming dalawa pero ang perang iyon ay aking ginagamit sa pagnenegosyo gaya ng pagtitinda ng kakanin sa umaga. Pagkatapos kong magtinda ay dumideretso na ko agad ng pharmacy. Nakakaya ko naman ang lahat kahit mapagod na ko sa kakakayod ay hindi ko inisip ang magreklamo. Ako na lang kasi ang inaasahan ng aking kapatid at tanging kapatid ko na lamang ang nag-aaral sa aming dalawa . Grade 9 student siya dito sa paaralan ng Montessori School. Malapit lang ito sa bahay namin kaya walking distance lang naman ito mula sa aming bahay. "Ate kulot, alis na ko. Yung bilin ko sayo ha. Huwag mong kakalimutan," bilin nito sa akin na akala mo ay siya ang kuya ko. "Oo kuya, umalis ka na. Yung baon mo tipirin mo 'yan," bilin ko din sa kan'ya. "Yes ate kulot. Ako pa... Iniipon ko ito para sayo." "Hah?" sabay kunot ng aking noo. Itatanong ko sana kung bakit ito nag-iipon para sa akin eh may pera naman ako. "Steve saglit lang," tawag ko nang habulin ko siya mula sa gate ngunit nakalayo na ito. "Bonak! Ang bilis niyang maglakad," sabay iling ko rito. Isinakay ko na lamang ang aking paninda sa mini bike kong kulay pink with matching pink helmet din. Ang kikay ko diba? Napangiti na lamang ako nang papaalis na ko. Sinigurado kong hindi mahuhulog yung bilao na nasa aking likuran. Itinali ko naman ng mabuti iyon. Feeling ko habang nagdadrive ako ay napapatingin sila sa akin. Lahat kasi ng suot ko ay kulay pink. Pati bra at panty ko ay pink din. Pink din yung damit ko dahil pink naman yung uniporme namin sa pharmacy. Pero maong na kupas naman ang suot ko na may butas sa magkabilaang hita ko. Naka suot din ako na white rubber shoes pero kulay pink ang sintas nito. Alas siyete ng umaga ay narito na ko sa Police station. Kilala naman na nila ako rito kaya lahat ng mga pulis dito ay kayganda ng mga ngiti nila sa akin. Siyempre ang cute ko kaya. Parang isa nga daw akong barbie eh. Charrrr... Bitbit ko ang isang bilaong kakanin. Nagmamadali akong pumasok sa loob. Bawat madaanan ko ay binabati ko sila rito. Nang makita ko na naman yung si crush. Pero napapaurong na lang ako dahil sa binilin na ko ng aking kapatid na lalaki na huwag na muna daw ako magbbf hanggat hindi pa siya nakakapagtapos ng pag-aaral. Nalungkot na lang ako rito. "Tet, akin na 'yan at ako na ang bahala sa mga paninda mo. Daanan mo na lang mamayang hapon yung napagbentahan ko," ani ni PO1 Maricris. Siya yung secretary at treasurer nila dito. Mabuti na lang mabait siya sa akin. "Salamat po ma'am," nakangiting ani ko rito. "Sige na, pumasok ka na at malilate ka na sa trabaho mo," pagtataboy niya sa akin. Alam niya kasi sa tuwing nalilate akong pumasok sa pharmacy ay pinapagalitan ako ni Mr. Chua. Siya ang may-ari ng pharmacy na pinagtatrabahuan ko. Paalis na ko nang may makita akong isang lalaki na ibinaba nila mula sa pulis patrol. Bumaba ako ng aking motor at sinundan ang nakaposas na lalaki habang kuyog siya ng mga pulis. "Hi," bati ko sa kan'ya na kinatingin niya sa akin habang nakisabay sa pagpasok nila sa loob ng himpilan. Tiningnan niya lang ako na wala man lang kaekspre-ekspresyon ang mukha nito. "Bakit ka bumalik Tet?" Tanong sa akin ni Maricris. Sinenyasan ko siyang huwag maingay. Napakamot tuloy siya ng kan'yang ulo. "Pambihira, nakakita ka lang ng guwapo ay hindi mo na maalalang pumasok sa trabaho mo," sabay iling nito. Nginitian ko lamang siya saka ko ibinaling ang aking paningin sa lalaking tinatanggalan na ng posas. "Dumito ka muna hangga't hindi pa umaalis yung mga humahabol sayo. Ano ba ang nangyari at gabi-gabi ka na lang napapatrouble?" Tanong ni crush ngunit hindi ko na siya crush dahil may crush na kong iba at walang iba kundi yung lalaking nakaposas ang mga kamay niya. Kinuha ko ang aking cp sa loob ng aking bag. "One, two, three, smile.." Sabay click ko sa screen ng aking cp. Lihim ko siyang kinuhanan. Nagulat na lamang ako nang magflash ang ilaw ng aking cp. Kunot noong lumingon ang lalaking kinuhanan ko ng larawan. "Did you take a picture of me?" Nakakunot-noong tanong niya. Hindi ako nakasagot agad dahil sobrang guwapo niya. Halos nakanganga lamang ako na nakangiti ang labi dahil hindi ko mapigilan na hindi kiligin sa kan'ya. Napakagat labi na lang ako rito at nagpapacute sa kan'ya. Inihawi ko ang aking buhok sa likod ng aking tenga. "Sir, ang guwapo mo naman po," kinikilig na ani ko rito. Naramdaman ko na lamang na kinurot ako ni Maricris sa tagiliran ko kaya ako napatili. "Sorry po," sabay peace sign ko rito ngunit sa kan'ya lang ako nakatitig at hindi ko na maialis-alis ang pagkakatig ko sa kan'ya. "Oo kinuhanan talaga kita ng picture. Remembrance lang," impit akong kinilig rito. Bumuntong hininga siya. "Mga kabataan talaga ngayon. Makakita lang ng guwapo ay bibigay na agad," bulalas niya. Nagngitngit ako ng galit ko rito na halos maikuyom ko pa ang mga kamao ko. Guwapo nga pero ang yabang niya. Imbes na magwelcome siya sa akin dahil pinuri ko siya. Kahit ngumiti man lang ito ay ang cold.pa rin ng mukha. Napanguso na lang ako rito. "Hayaan mo na lang siya. Ako nga din ay crush din niyan. Hindi ko na lang pinapansin dahil hindi ko type ang mga bata," ani naman ni Charles. "Yeah, I know that Charles. She's not my type too," ani naman ng isa. Napangiwi ako. Ako? Bata daw? Halos nakapamewang na ko rito sa kanila. Tinapik tapik ako sa aking braso ni Maricris. Mabuti pa ito ay concern sa akin. Nanggigil ako sa sinabi nila. "Hoy! FYI ha..." Lumingon sila. "Hindi ako bata. Bulag ba kayong dalawa? Dalaga na ako," giit ko. Tumayo naman siya at bahagyang lumapit ito sa akin. Halos tingalain ko na siya sa sobrang tangkad niya. Kahit hindi kami magkakilala ay feeling ko talaga ay close na kaming dalawa. Pinasadahan niya ko ng tingin saka ito yumuko upang magpantay ang mga mukha namin. Kinakabahan ako sa ginawa niya. Pero kinikilig ako sa guwapo niyang mukha lalo na ang mga mata niyang mapupungay ay hindi ko na maialis ang mga mata kong kumikinang. Hays, ang daming naglalabasang heart sa mga mata ko. First meet ko pa lang sa kan'ya, feeling ko ay type ko na siya. Ngumisi ito. "Itigil mo na ang kakapantasya mo sa akin okay," sabay gulo niya sa aking kulot na buhok. "By the way, pakidelete na din yung picture ko. I'm warning you kid," ani niya saka niya ko tinalikuran. Napailing na lang si Charles sa akin. Nagsalubong naman ang mga manipis na kilay ko. Nakakapikon na, ilang beses ko ba sasabihin sa kanila na hindi ako bata. Nag-init ang buong sistema ko dahil sa sinabi nilang dalawa lalong lalo na yang pesteng guwapo na 'yan. Napansin naman ni Maricris ang pag-aalburoto ko rito. "Okay ka lang ba Tet?" Nag-aalalang tanong niya. "Ma'am, babalik na lang ako mamayang hapon," ani ko sa kan'ya at hindi ko nilingon yung lalaking mahangin. Nagpapadyak pa ko ng papalabas ako. "Charles, hindi ako pwedeng mag stay rito. May anak akong naghihintay sa akin," ani niya at dinig ko iyon. Napahinto ako nang marinig ko iyon. "Ha? May anak na siya?" Bulalas ko rito. Sumimangot ako nang marinig ko iyon. Nadismaya tuloy ako sa narinig ko. Dahil sa kahibangan ko sa kan'ya ay nalate na naman ako sa aking trabaho. Nagmadali akong nagpunta sa work ko. Pagkarating ko rito ay ang boss ko ang una kong nakita. Salubong na naman ang mga kilay niya sa akin. "Good morning sir. I'm sorry... I'm late again," ani ko rito. Hindi siya sumagot. Nahiya naman ako kaya tinungo ko na ang aking puwesto. Wala si Sity ngayon ang kaibigan ko dahil may lagnat ito kaya mag-isa lang ako rito at walang kachikahan. Mabilis na lumipas ang mga oras. Hapon na naman at uwian na namin. Patungo na ko sa Police Station para kuhanin ang mga napagbentahan ni Maricris. Nakangiti ang mga labi ni Maricris pagkabungad ko pa lang sa entrance. "Ang saya po natin ngayon ma'am." "Oo, kasi hindi na ko nag-abalang ibenta ito dahil instant 1k na agad ang pera mo. At heto pa... May tips ka pa na 1k dahil masarap daw," ani niya at ako naman ay natuwa dahil malaking tulong na ito sa amin ng kapatid ko. Sino kaya ang nag-abalang bumili ng mga kakanin ko?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook